Sunday 13 January 2013

Masayahin?? yan ang tatak pinoy !!

isa na siguro ang mga pinoy pagdating sa pinaka masasayahing tao sa buong mundo kaya nga dapat ang tawag sa bansa natin ay land of happiness  eh ..bakit? dahil sa mga birong sadya namang nakakatuwa mula sa kalye at telebisyon ay maraming biro ang ating maririnig na nagpapasaya nga talaga  ..sa gitna man ng trahedya ay nanatilng may ngiti sa mga labi ang pilipino dahil idinadaan nlng natin ito sa tawa sabi nga hindi dpat tambayan ang problema  dapat palagpasin ito .. Masayahin ang pilipino ayan nga ang tatak pinoy di ka pinoy kung hindi ka masayahin ..ang buhay sa mundong ibabaw ay panandalian lamang kaya bakit mo sasayangin ang buhay mo sa kakaiyak? salubungin mo ang bagong araw ng may positibong pananaw at pananampalataya at higit sa lahat ng may kasiyahn!! ngiti naman jan oh :P 

Mata sa ating lipunan!

sa ating lipunan dto nabubuo ang ating pakikipagkapwa ngaunit sa ating lipunan dito sa pilipinas ay mapanghusga .. aminin man natin o hinde sa pilipinas ay maraming mata ang nagmamasid sa atin kung saan may gawin ka man o wala ay may masasabi ito sa atin at dian marahil sanay ang mga pilipino sa panghuhusga ..tingin lang sa labas na panganyo huhugahan ka na agad ng di inaalm ang iyong buong pagkatao. sa pananamit, pagsasalita, relihiyon ,pagpili ng mga kanta , at iba pa dian hinuhusgahan ng mga mata sa ating lipunan ang isang tao malungkot isipin pero ito ang katotohanan .. at bilng bata mahirap isipin na nakikita ko ito sa mga mas nakakatanda sa akin .. naway sana sa paglipas pa ng panahon hindi sana madaling manghusha ang mata sa lipunan . =)

likas na yaman ng pinas sa modernong panahon!!

Isa ang pilipinas sa pinaka mayaman pagdating sa likas na yaman ,,ngunit sa modernong panahon natin ngaun unti unti na itong napapabayan dahil maraming komersyal na gusali na rin ang itinatayo  at dahil dito mnasisira ang likas na yaman ng ating bansa. polusyon, kawalang disiplinahan marahil ang epekto kung bakit ito nasisira.. at tayo lamang ang makakapagligtas sa ting likas na yaman dahil tau ang nakikinabang dito ..kung hindi dahil sa atin hindi ito masisira at bilng bata  sisimulan kong pangalagaan ang likas na yaman ng pilipinas sa simpleng bagay .. iwasang magtapon kung saan saan iwasan ang pagsusunog at iba pang hindi dapat ..huwag na taung magmatigas pa ..pangalagaan natin ito at pagyamanin upang maabutan pa ng iba pang henerasyon ..sanay kahit nasa modernong panahon tau kung saan maraming teknolohiya ang nauuso ay hindi tau makalimot sa likas na yaman ng ating bansa .. iligtas ang kalikasan para sa kinabukasn !! 

Gandang Pinay Ipagbunyi !!



Mula sa  7107 isla ng pilipinas..ang tatlong bibinibing ito marahil ang pianaka maganda sa pilipinas . Hindi lamang sa likas na yaman mayroon ang pilipinas kundi pa ti na rin s likas na ganda ng pilipina ..patunay dito si navenus raj na itinanghal na 4th runner up noong taong 2010, shamcey supsup 3rd runner up noong 2011 at janine tugonon 1st runner up nitong nakaraang taon lamang ..ang tatlong binibing ito ang sumisimbolo sa buong pinay ng katatagan, katalinuhan ,kasipagan at kagandahan na dapat lamang ipagmalaki sa buong mundo dahil sa knila unti unti na rin kinikilala sa buong mundo ang gandang pilipina ..oh diba kaya mas lalong its more fun in the philippines .. kagandahan  =) ating ipagbunyi at ikarangal ang gandang pilipina !! 

Friday 11 January 2013

Bilang bata paano natin papahalagahan at ipapakita ang wikang filipino?

  • Ayan ang isang bagay na tumatakbo sa aking isipan paano nga ba mapapahalagahan at ipapakita ang wikang filipino ng isang batang tulad ko ..at isa lamang ang aking naiisip para sa akin maipapakita ko ang pagmamahal ko sa wikang filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa lahat ng oras , alam naman natin na ang wikang filipino ay isa sa mga wikang madaling aralin sa buong mundo . katulad nga ng sinabi ng ating pambansang bayaning si jode rizal ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda at bakit nga ba ito sinabi ng ating pamabansang bayani? ibig sabihin lming ni rizal ay ang di paggamit sa native na salita ay kinakahiya nia ang pagiging pilipino nito isang pagpapakita ng pagtataksil sa kanyang bayan  . mahirap man isipin ngunit sa modernong panohon natin ngaun maraming pilipino (hindi lahat) ay gumagamit ng ibang salita upang maging katunog nila ang ibang lahi o maging katulad nila ito at isang uri to ng kataksilan .. pero sa mga simpleng bagay ay maiipapakita natin ito hindi natin kailangan gumamit ng malalalim na salitang tagalog pra lang maipakita ang pagpapahalaga natin sa ating wika maipapakita  natin ito sa pamamagitan ng pag-awit ng pambansang awit (lupang hinirang). pagbigay respeto sa watawat  pagtangkilik sa ating produktong Filipino at taas noo tangkilikin ang wikang Filipino. simpleng  bagay kung tutuusin diba? ngunit isa na itong bagay ng pagpapakita at pagpapahalaga sa wikang ating kinalakihan at bilang bata ganito ko ito maipapakita ,ipagmalaki at pagyabungin natin sa buong mundo ang wikang filipino!!