Friday 11 January 2013

Bilang bata paano natin papahalagahan at ipapakita ang wikang filipino?

  • Ayan ang isang bagay na tumatakbo sa aking isipan paano nga ba mapapahalagahan at ipapakita ang wikang filipino ng isang batang tulad ko ..at isa lamang ang aking naiisip para sa akin maipapakita ko ang pagmamahal ko sa wikang filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa lahat ng oras , alam naman natin na ang wikang filipino ay isa sa mga wikang madaling aralin sa buong mundo . katulad nga ng sinabi ng ating pambansang bayaning si jode rizal ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda at bakit nga ba ito sinabi ng ating pamabansang bayani? ibig sabihin lming ni rizal ay ang di paggamit sa native na salita ay kinakahiya nia ang pagiging pilipino nito isang pagpapakita ng pagtataksil sa kanyang bayan  . mahirap man isipin ngunit sa modernong panohon natin ngaun maraming pilipino (hindi lahat) ay gumagamit ng ibang salita upang maging katunog nila ang ibang lahi o maging katulad nila ito at isang uri to ng kataksilan .. pero sa mga simpleng bagay ay maiipapakita natin ito hindi natin kailangan gumamit ng malalalim na salitang tagalog pra lang maipakita ang pagpapahalaga natin sa ating wika maipapakita  natin ito sa pamamagitan ng pag-awit ng pambansang awit (lupang hinirang). pagbigay respeto sa watawat  pagtangkilik sa ating produktong Filipino at taas noo tangkilikin ang wikang Filipino. simpleng  bagay kung tutuusin diba? ngunit isa na itong bagay ng pagpapakita at pagpapahalaga sa wikang ating kinalakihan at bilang bata ganito ko ito maipapakita ,ipagmalaki at pagyabungin natin sa buong mundo ang wikang filipino!!

1 comment: